^

Punto Mo

Kindergarten principal sa China sinibak matapos salubungin ng pole dancer ang mga nagbabalik-eskwelang estudyante

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SIBAK ang principal ng isang kindergarten school sa China matapos siyang magpasayaw ng isang pole dancer sa harap ng mga musmos na estudyante na nagbabalik-eskuwela.

Unang linggo ng Setyembre ang simula ng bagong school year sa China at bilang tradisyon ay nagsasagawa ng iba’t ibang selebrasyon ang mga eskuwelahan para sa mga nagbabalik-eskuwela na mga estudyante.

Sa kabila nito, hindi pa rin inasahan ng nasa 500 na mga estudyante na kasama pa ang kanilang mga magulang ang inihandang pagtatanghal ng principal ng Xinshasui kindergarten school sa Shenzen.

Sinalubong kasi sila ng isang babaing nagsasayaw sa flag pole ng eskuwelahan. May kalaswaan ang pananamit at ang pagsasayaw ng babae kaya marami sa mga magulang ang naeskandalo sa kanilang nakita.

Ipinaliwanag naman ng principal ng eskuwelahan na si Lai Rong na naisipan niyang kumuha ng pole dancer para sa pagbubukas ng eskuwela dahil marami raw sa mga estudyante ang nagsabi na gusto nilang matuto ng bagong paraan ng pagsasayaw.

Inimbestigahan ng mga kinauukulan ang insidente at nang mapag-alamang may malaking pagkakamali ang ginawa ni Rong, sinibak nila ito sa puwesto.

Hindi naman daw ito ang unang beses na may kakaibang pakana na ginawa si Rong dahil ayon sa isa sa mga magulang ng mga batang pumapasok sa eskuwelahan niya ay minsan na raw nitong sinalubong ang mga nagbabalik-eskuwela sa pamamagitan ng mga aktibidad na pang-militar at pagdidisplay ng mga baril at kanyon sa paaralan.

vuukle comment

ESTUDYANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with