^

Punto Mo

EDITORYAL - Regular na magdaos ng earthquake drill

Pang-masa
EDITORYAL - Regular na magdaos ng earthquake drill

KAHAPON niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Surigao del Norte. Dalawang araw nang nakararanas ng pagyanig ang Surigao at wala namang itinalang casualties. Ganunman, nakapagbibigay pangamba sa mamamayan ang pagyanig.

Noong nakaraang taon, halos kaparehong petsa, nilindol ang Leyte na umabot sa 6.5 magnitude. Dalawa ang namatay at nasa 100 ang nasugatan. May mga naguhong gusali at bahay. May mga sasakyang nabagsakan at naguhuan. Nagkabitak-bitak ang kalsada sa nabanggit na probinsiya.

Maraming naranasang paglindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong taon. At ang ganitong mga nararanasan ay nagpapaalala sa mga pinuno ng mga bayan at lunsod na dapat magsagawa ng regular na earthquake drill. Kung may sapat na kahandaan ang mga residente, marami ang makakaligtas sa tama nang malakas na lindol. Ang pagpapanik sa oras ng lindol ang dahilan kaya may mga namamatay. Mahalaga ang earthquake drill sa mamamayan.

Noon pa man, nagpaalala na ang Philippine Ins­titute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mamamayan sa pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila. Ayon sa Phivolcs, anumang oras ay maaaring lumindol dahil sa paggalaw ng faultline na nagsisimula sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite. Noong 2013, nagbabala na ang Phivolcs na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang inihahayag ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa idaraos na earthquake drill. Ang MMDA ang lagi nang nangunguna sa drill pero hanggang ngayon ay wala pang naririnig sa kanila. Karaniwang ginagawa ang nationwide earthquake drill kapag Hulyo.

Kailan magsasagawa nito? Kailangang maimulat ang lahat sa kahalagahan ng paghahanda sa lindol para maiwasan ang pagpa-panic at casualties.

vuukle comment

EARTHQUAKE DRILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with