^

Punto Mo

Carwash attendant, bantayan din!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MODUS na rin ngayon ang nakawan sa carwash shops gamit ang kanilang vacuum cleaner na nakakatangay ng pera at alahas sa loob ng mga kotse ng mga parukyano nila. Hindi dapat ipagwalambahala ang ganitong gawain, dahil maari rin silang maging kakutsaba ng mga pulis para  makapagtanim ng droga sa sasakyan at i-text message ang mga handler nilang police scalawags matapos na makapagtanim ng droga para sa entrapment na siguradong magpopositibo dahil alam nila kung saan naipuwesto ang droga. Malaking delihensiya ang ganito kapag nagkataon, kaya ingat po!

Maari itong mangyari lalo pa nga’t marami naman talagang balasubas na pulis ang walang konsensiya sa ngalan ng pagdidilehensiya. Tabi-tabi po sa matitinong pulis. Kiss muna hahaha!

Ganito rin ang masaklap na naging karanasan sa NAIA ng ilang kababayan natin na nabiktima ng tanim bala na ang mga kasapakat ay taxi drivers na may kontak sa loob ng NAIA na nagmamando ng X-ray at ang iba naman ay mismong tauhan nito na mabilis na pagkilos ng mga daliri ng mga baggage opener na may nakaiipit na bala sa kanilang kamay para ilaglag sa loob ng maleta. Wala na bang sindikato ngayon ng mga taga-Bureau of Immigration and Deportation at dorobong mga pulis diyan sa NAIA? Uusisain ko yan isang araw!

• • • • • •

Pulis na tsongki, huli!

Sandamakmak na problema ang dinatnan ni PNP chief Oscar Albayalde mula nang manungkulan ito na nagreresulta naman sa positibong pamamahala. Hindi na mangangapa pa si Albayalde sa trabaho nito dahil hasa na ito sa trabahong pulis bilang hepe ng National Capital Region Police Office na subok sa pagiging responsable at estrikto sa trabaho nito. Natatandaan ko ang mga midnight inspection na ginawa ni Albayalde sa mga tutulog-tulog na mga pulis di ba?

May 300 na mga dayukdok na pulis ang siguradong masisibak sa serbisyo dahil nagpositibo ang mga ito sa shabu at siguradong marami pa ang susunod sa mga ito kung hindi sila magbabago. Hindi nagbibiro si Albayalde kaya tigilan na ninyo ang pagtsongki ng bato!

Ipinagpapatuloy ni Albayalde ang kampanya sa war on drugs  na ikinamatay nang maraming drug pushers magmula nang maupo ito. Mapapansin na wala halos kritisismo ang mga balitang patayan na may kinalaman sa bentahan ng droga na nagpapatunay lamang na malaking bahagi sa pagpapatupad ng batas ay ang kredibilidad ng isang namumuno.

• • • • • •

Public utility at truck drivers na adik, tsugiin na rin

Bago pa makapahamak at makagawa ng krimen, mabuti nang unahin ni Albayalde na sampolan na ang mga ito ng kamay na bakal at huwag na tirhan ng katwiran para mapanatag ang isip ng mga manlalakbay sa lansangan. Marami nang aksidente at halu-halong krimen ang naitatala ng PNP na mula sa hanay ng mga gagong driver. Hala sige nga Sir Oscar, tsugiin na ang mga ‘yan!

vuukle comment

CARWASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with