^

Punto Mo

Poe, husgahan sa eleksiyon

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT bilisan ng Supreme Court ang oral argument sa kasong diskuwalipikasyon laban kay Sen. Grace Poe.

Sa lalong madaling panahon, ilabas na ang desisyon ng SC at panawagan ng ilang sektor at kung maari hayaan na lang si Poe na tumakbo sa elections.

Maaring pagmulan na naman ng kaguluhan sa pulitika kapag tuluyang diniskuwalipika ng SC si Poe lalo na’t karamihan sa mga mahistrado ay pawang naitalaga ni Pres. Noynoy Aquino na may sariling kandidato.

Hindi maiiwasan na maakusahan amg mga mahistrado ng SC na kapag diniskuwalipika si Poe, iisipin ng publiko na nagbayad ng utang na loob kay P-Noy dahil si Mar Roxas ang kandidato ng administrasyon.

Naaatrasado rin ang preparasyon ng Comelec dahil nakabitin pa ang kapalaran ni Poe sa SC.

Para matahimik na ang lahat ng kampo, patakbuhin na ang lahat sa eleksiyon at husgahan na lamang ng mga botante.

Sakaling manalo si Poe bilang presidente, maari pa rin naman habulin ito sa presidential electoral tribunal kung marami pa ring kuwestiyon sa citizenship at residency.

Pero kung agad na mailalabas ng SC ang pinal na desisyon pabor man o hindi, makabubu­ting sa lalong madaling panahon upang hindi maantala ang preparasyon ng Comelec at maging matagumpay ang eleksiyon sa bansa.

Samantala, anuman ang desisyon ng SC sa kaso ni Poe, dapat lang irespeto ng lahat upang manatiling matatag at matiwasay ang pulitika sa bansa.

Marapat lang na kilalanin ang kapangyarihan ng SC dahil ito ang itinatadhana ng ating Konstitusyon na may pinal na desisyon sa mga kaso sa bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COMELEC

GRACE POE

KONSTITUSYON

MAR ROXAS

MARAPAT

NAAATRASADO

NOYNOY AQUINO

POE

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with