^

Punto Mo

Sir Juan (100)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SHOCKED si Nectar sa nakita! Naghahalikan sina Sir Juan at Mahinhin sa may pinto ng kuwarto! Walang pakialam ang da-lawa! Tangay na tangay sa ginagawa!

Kulang na isang minuto rin marahil na hindi nakakilos si Nectar habang pinagmamasdan ang pagtutukaan nina Sir Juan at Mahinhin. Hindi talaga niya inaasahan na ganoon ang masasaksihan. Ngayon lang siya nakakita nang totoong “paglalaplapan”.

Lalo pang nadagdagan ang pagkainis o galit ni Nectar kay Mahinhin. Sagad na ang nadarama niyang galit.

Ngayon niya napatuna-yan na talagang malandi si Mahinhin. Wala nang dapat ipagtaka sapagkat nagtatrabaho sa isang mumurahing club na nagpapalabas ng malaswa. Kung gaano karumi ang trabaho ay ganun din ang ginagawa niya sa totoong buhay. Inakit nang todo si Sir Juan at nagtagumpay na dahil nakikipaglaplapan na. Sanay na sanay nang makipaghalikan. Halos nakapagkit na ang mga bunganga sa isa’t isa.

Ito marahil ang dahilan kaya tinanggap na muli ni Sir Juan ang malanding babae. Nilandi nang todo at ang kapalit ay ang pagpapahalik. At malay pa ba niya kung halik nga lang ang ipagkakaloob ng malandi kay Sir Juan. Baka pati ang “pagkababae” ay ipagkakaloob na rin nito. At dahil dun, silang dalawa na ang magiging mag-asawa. Tiyak na hindi na aalis si Mahinhin sa boarding house at dito na siya habambuhay. Delikado siya kapag nangyari iyon. Dahil asawa na ni Sir Juan, may karapatan na si Mahinhin na makialam sa pagpapatakbo ng boarding house. At maaaring gantihan siya ni Mahinhin. Palalayasin siya rito. Maaari na nitong gawin ang lahat nang maisip para lamang makaganti.

Pero naisip din naman ni Nectar na matagal pa bago mangyari iyon. Marami pang mangyayari. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano mababawi si Sir Juan. Puwede pa naman niyang bawiin dahil palagay niya, bago pa lamang ang relasyon ng dalawa. Kayang-kaya pa niyang sulutin si Sir Juan. Gagawa siya ng paraan. Humanda kang malandi ka! Hindi ako titigil na hindi naaagaw sa ‘yo si Sir Juan,. Hintayin mo ang ganti ko, Mahinhin!

Umatras si Nectar. Dahan-dahan siya para hindi mabulabog ang dalawang naglalaplapan.

Nagbalik siya sa ka­nilang kuwarto. Siya na lamang ang nag-iisa sa room sapagkat nasa school na ang ka-boarders.

Nahiga siya. Pumikit para malimutan ang nasaksihang paglalaplapan nina Sir Juan at Mahinhin. Pero hindi niya kayang burahin ang tagpong iyon na parang sarap na sarap ang dalawa sa ginagawa. Hindi na nga natakot na maaaring may makakita sa kanilang ginagawa. Napakatapang ng dalawa sa ginagawa. Walang pakialam.

Nag-isip siya ng paraan kung paano gaganti kay Mahinhin at kung paano niya maaagaw si Sir Juan dito.

Kailangang ituloy na niya ang pinagagawa kay Gringo. O mas maganda, ipa-rape kaya niya si Mahinhin kay Gringo. Kapag nangyari iyon, masisira ang plano ni Sir Juan kay Mahinhin. Hindi na matutuloy ang kanilang balak sa hinaharap.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

JUAN

MAHINHIN

NGAYON

NIYA

PERO

SIR

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with