^

Punto Mo

Sir Juan (69)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO nagdadalawang-isip si Sir Juan kung hahanapin pa si Mahinhin. Bakit pa niya hahanapin? Umalis nga nang walang paalam. Parang hindi na siya nirespeto.

Napabangon si Sir Juan at nagtungo sa comfort room at dyuminggel. Bumalik sa higaan pero naupo lang sa gilid ng kama. Hindi niya pa rin mapagpasyahan kung hahanapin si Mahinhin. Kailangan pa bang hanapin ang babaing nagsinungaling? Parang hindi karapat-dapat.

Muling nahiga si Sir Juan.

Bumuntunghininga. Malalim.

Nag-isip.

Hanggang mapag-isipan niya na dapat sundin ang kanyang unang nasa isipan. Hahanapin niya si Mahinhin. Kailangang malaman niya ang kinaroroonan ni Mahinhin. Hindi dapat ganuon. Kailangang magkita sila. Lagi niyang puproblemahin ang tungkol kay Mahinhin.

Bukas ng gabi, sisimulan niya ang paghahanap kay Mahinhin.

ALAS-SAIS ng gabi, umalis si Sir Juan sa bahay. Pupuntahan niya si Mahinhin sa KOLEHIYALA kung saan ay nakunan ito ng pictures na nagsasayaw nang hubad. Kailangang matiyak na doon nga ito nagtatrabaho.

Sinabi sa kanya ni Nectar kung nasaan ang KOLEHIYALA. Lalakarin lamang daw.

Nakita niya ang KOLEHIYALA. Maliwanag na maliwanag ang ilaw ng KOLEHIYALA. Sa totoo lang, hindi pa siya nakakapasok sa ganitong bahay-aliwan.

Nasa loob nga kaya si Mahinhin?

Paano kung wala? Paano kung umalis na ito?

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG

BAKIT

BUKAS

BUMALIK

BUMUNTUNGHININGA

HAHANAPIN

KAILANGANG

MAHINHIN

NIYA

PAANO

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with