^

Punto Mo

Facebook Friend

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HINDI man napag-uusapan nang direkta, nagkakaunawaan na kaming mag-anak na pagdating sa mundo ng Facebook, kanya-kanya kami ng buhay. Gusto naming bigyan ng space ang bawat isa. Ang  dalawa kong anak ay hindi “friends” sa Facebook. Nakokornihan sila na magkakasama sa bahay tapos magkakasama pa rin sa Facebook. Kaunti namang privacy pagdating sa social media.

Hindi maiiwasang maging “friends” kaming mag-asawa dahil ako ang gumawa ng account niya. Ako kasi ang mapilit. Noong una ay hindi siya interesado sa Facebook. Sabi ko, para lang maging pamilyar ka. Para hindi ka nakanganga kapag napag-uusapan ang Facebook. Ako muna ang naging administrador ng kanyang account.

May isang babaing pamilyar sa akin ang nagpadala sa aking mister ng friend request. Ang babae ay dating niligawan ng aking mister pero hindi sila nagkaroon ng relasyon. Una nagpapa-playing hard to get at ikalawa, pinagbabawalan ito ng ama na makipag-syota.

Habang nagpapakipot itong si Girl no. 1, biglang may babaing dumating sa buhay ng mister ko, si Girl no. 2. E, wala sa bokabularyo ni Girl no. 2 ang salitang pakipot. Kung gusto, wala nang paarte-arte pa. Isang linggo lang nagligawan at boom! Magsyota na sila. Etsa puwera na ngayon ang pakipot na Girl no. 1. Lulungkot-lungkot ngayon siya. Pakipot pa kasi, obvious naman na may gusto.

Salamat sa Facebook at nagkrus muli ang landas nila. Ako naman ayokong maging kill joy. Tinanggap ko ang kanyang friend request. Malay ba niyang misis pala ng dati niyang manliligaw ang administrador ng Facebook nito.

Napapansin ko, madalas itong  mag-post ng kanyang selfie. May pamilya na ito. Noong nag-Boracay, aba sangkaterbang pictures ang ibinandera sa Facebook. Naka-swim suit ito. Nagpatuloy ang babae na mag-post ng mga pictures, parang gusto ko nang magmalisya. Kung ipinagmamalaki niya ang kanyang sexy pictures, sana gawin niyang public, kaso naka-private ito. At isa ang aking mister sa napili niyang audience. Teka…pataas na nang pataas ang level ng aking pagmamalisya… na parang nagpapa-charming ang babaeng ito sa aking mister. Basta na lang kasi itinigil ang panliligaw sa kanya. Sa halip na siya ang mambitin sa manliligaw, siya ang ibinitin sa ere ng kanyang manliligaw. Pindutin ko nga ang unfriend button. Ha-ha-ha. Ako si Girl no. 2.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BORACAY

ETSA

FACEBOOK

HABANG

ISANG

KAUNTI

LULUNGKOT

MAGSYOTA

NOONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with