^

Punto Mo

Sampaguita (132)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO po ang plano mo? Di po ba kaya mo kinuha ang serbisyo ni Sam ay para maipaghiganti si Senyorita Ylang-Ylang sa ginawa ni Levi?’’ Sabi ni Viring na nag-alala ang boses.

“Wala tayong magagawa, Viring. Hindi na natin sakop ang damdamin ni Sam.’’

‘‘Pero may kasunduan po kayo at lahat nang kailangan niya ay binigay mo. Dapat po kung hindi niya kayang paghigantihan si Levi, umalis na siya rito.’’

‘‘Hayaan natin siya Viring. Kahit mangyari ang sinasabi mo, manatili kayo riyan. Okey lang sa akin.’’

“Napakabait mo Sir Manuel. Ngayon lang ako nakakita ng napakamaunawaing tao.’’

“Salamat Viring. Ang isang kinaaawaan ko ay si Ram. Baka pagbalik niya ay nasa kamay na ni Levi si Sam.’’

‘‘Pareho po tayo ng iniisip Sir Manuel. Naaawa ako kay Ram. Napakabait po niya para ganituhin ni Sam. Gusto ko po sana siyang tawagan pero hindi ko po alam ang sasabihin sa kanya.’’

“Hayaan mo na lang na siya ang makatuklas. Kailan pa ba siya umalis sa bahay?’’

‘‘Mga two weeks na po. Malubha po ang inay niya kaya biglang nagpaalam kay Sam.’’

“Kawawa naman si Ram. Sa palagay mo kailan siya babalik?’’

“Hindi ko po alam, Sir Manuel.’’

“Sige Viring kung mayroong mahalagang pangyayari, tawagan mo ako anytime. Ipagpatuloy mo lamang ang pagsisilbi kay Sam at obserbahan ang mga nangyayari sa kanya. Siguro naman ay magbabago pa ang pasya niya at biglang maiisip na tuparin ang pangako sa akin.’’

“Sana nga po Sir Ma-nuel.’’

“Sige Viring, bye.’’

“Bye po Sir Manuel.’’

Napahinga nang malalim si Viring. Hanggang maisip muli niya ang kabaitan ng matanda. Walang kasingbait!

Lumabas si Viring para tingnan kung ano ang ginagawa nina Sam at Levi.

Pero nagulat siya nang walang makita sa may swimming pool! Nasaan ang da-lawa?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HAYAAN

NAPAKABAIT

NIYA

PERO

SALAMAT VIRING

SAM

SIGE VIRING

SIR MANUEL

VIRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with