^

Punto Mo

Mga anay

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HABANG abala si Makati City OIC Romulo “Kid” Peña sa paglutas ng mga suliranin ng siyudad niya, abala rin ang bataan niya sa pagkamal ng pitsa sa mga pasugalan. Ang tinutukoy ng mga kosa ko ay ang bodyguard ni Peña na si alyas Cris na umiikot sa pasugalan at ibinabando na siya na ang kukuha ng weekly tong na kinukuha noon ng mga bataan ni suspended Mayor Junjun Binay. Kapag hindi nasawata ni Peña si Cris, tiyak goodbye na lang sa pangarap n’ya na maging permanenteng mayor ng Makati City sa darating na election, di ba mga kosa? Kasi nga, ang gino-groom ng mga Binay na tatakbo sa darating na Mayo ay si Atty. Abigael Binay, na mabango sa masa. Bakit pa iboboto ng taga-Makati si Peña kung wala naman siyang ipinagkaiba sa pinalitan niya na nakikisawsaw sa pasugalan, di ba mga kosa? Boom Panes! Kaya habang maaga pa, kailangang kalusin ni Peña si Cris para makumbinsi ang mga botante ng Makati City na pagbigyan siya dahil sa pagbabago na dala niya. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan, di ba mga kosa?

Halos magdalawang buwan pa lang si Peña sa puwesto mula nang bumaba si Mayor Binay. Abala si Peña na ayusin ang mga gusot sa City Hall matapos ang mahabang pakikipagbunuan ni Mayor Binay sa DILG na nais pababain siya sa puwesto dahil sa suspension order ng Ombudsman. Sa totoo lang, transparent ang liderato ni Peña dahil lahat ng hakbangin n’ya ay nakabilad naman sa mga constituents n’ya. Subalit nalingat lang ng konti si Peña, aba kumilos si Cris at ang isang pulis na alyas Ferdie at kinausap ang mga gambling lords sa Makati at sila na raw ang dapat na may pakinabang sa mga weekly tong nila. Tama rin naman itong kilos nina Cris at Ferdie, di ba mga kosa? Bakit naman ang mga bataan ni Mayor Binay ang magpakasasa sa grasya na dulot ng pasugalan kung hindi na siya ang nasa trono ng City Hall? Kaya kung makikita n’yo mga kosa na masaya at bondat sina Cris at mga bodyguard ni Peña, ibig sabihin nakikinabang na sila sa grasyang hatid ng illegal gambling. Boom Panes! Hehehe! Tiyak pursigidong bantayan nina Cris at iba pang mga bodyguard ni Peña ang amo nila at baka mapurnada pa ang weekly na parating nila, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi naman ng mga kosa ko na si Ferdie, na ang tawag ng mga ilegalista ay “Boy Hirit,” ay naka-assign sa intelligence kaya siya na rin ang may karapatan para sa lingguhang intelihensiya ni Sr. Supt. Ernesto Barlam, ang hepe ng local na pulisya. Sagradong bata rin si Ferdie ni Boy Reyes, na malapit sa kampo ni Vice Pres. Jojo Binay. Kapag nanalo si Binay sa pagka-presidente sa darating na halalan, tiyak bagyo ang mag-among Reyes at Ferdie, di ba mga kosa. Dapat lang sigurong isama ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez si Ferdie sa kampanya niya laban sa “dirty cops,” di ba mga kosa? Ang tulad ni Ferdie, at iba pang pulis na tong kolektor at gambling lords ang mga anay na sumisira sa imahe ng PNP. Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kapag hindi kumilos si Peña laban sa panghaharabas gamit ang pangalan n’ya ng tandem nina Cris at Ferdie sa tong collection sa mga pasugalan, ang ibig sabihin n’yan may go signal niya ito, di ba mga kosa! Teka nga pala OIC Peña Sir! Bakit mo kinuhang consultants ang mga taong malapit kina dating Vice Mayor Ernesto Mercado at Atty. Rene Bondal para magtrabaho sa City Hall. Ang isang dahilan ba ay dahil hindi ka sinusunod ng mga department heads na loyal sa mga Binay? ‘Wag kumurap mga kosa ko d’yan sa Makati! Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BINAY

BOOM PANES

CITY HALL

FERDIE

KOSA

MAYOR BINAY

MGA

PLUSMN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with