^

Punto Mo

Sino ang mahirap kalaban…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… putang mayaman o putang mahirap?

KINUHA ko lang ang linyang ito sa dayalog ni Cristine Reyes sa pelikulang No Other Woman. Ang sagot ni Carmi Martin na gumanap na ina ni Cristine ay: “Pare-parehong puta lang iyon. Ang putang mayaman, bumibili ng Hermes sa mall. Ang putang mahirap, bumibili ng Hermes sa Greenhills”.

Ang aking kakilala ay tawagin nating Martir (as in Martyr wife) ay clerk sa city hall. Ang kanyang mister na engineer sa Saudi ay may kabit na nurse doon. Tawagin natin ang kabit na “K”. Hindi maiwan ni Mister ang kabit dahil sinusunod ni K ang lahat ng kanyang layaw. Malaki ang suweldo ni K dahil head nurse ito sa isang malaking ospital sa Saudi. Kung tutuusin, mas matagal na nakakapiling ni Mister ang kanyang kabit kaysa tunay na asawa. Sa bawat dalawang taon, 45 days lang siyang nakakapagbakasyon dito sa Pilipinas at nakakapiling si Martir, samantalang si K  ay nakakapiling niya ng straight na dalawang taon minus lang ang 45 days na bakasyon sa Pilipinas.

Certified Babaero ang mister ng aking pangalawang kakilala. Ang latest kabit niya ay isang titser na biyuda. Ang aking kakilala ay walang trabaho at umaasa lang sa kanyang mister. Hindi maiwan ni Mister ang biyudang titser dahil pinauulanan lagi siya ng regalo. Sa bandang huli ay pumayag na ang aking kakilala sa arrangement na titira ang mister niya sa bahay ng kabit at siya ang dadalaw-dalawin lang. Walang magawa ang aking kakilala kundi pumayag sa set-up dahil kapag wala silang maibayad sa apartment ay ang kabit ang nagpapautang para may maipangbayad sila.

Sa dalawang sitwasyon, ob­vious na mahirap kalaban ang putang mayaman.

Kaya upang maiwasan ang ganitong sitwasyon, sundin ang dayalog ni Cristine Reyes sa No Other Wo­man: “Alam mo ang marriage ay parang exclusive village, kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatters.”

vuukle comment

CARMI MARTIN

CERTIFIED BABAERO

CRISTINE REYES

KABIT

MARTIR

MISTER

NO OTHER WO

NO OTHER WOMAN

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with