^

Punto Mo

Manong Wen (87)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HANGANG-HANGA si Jo habang pinanonood si Princess sa pagpapraktis ng arnis. Tamang-tama ang mga palo. Nasa timing ang pag-unday. Pati ang mga steps ay kabisado. Naper-pekto ang sampung matitinding hataw na pamatay sa kalaban. Kuhang-kuha ang mga galaw ng ama nitong si Manong Wen. Paano na-kabisa ni Princess ang mga palo ng arnis? Tinuruan ma­­rahil ni Manong Wen noon. Siguro’y pagdating nito galing Saudi Arabia ay tinuruan si Princess. Napag-isip-isip marahil ni Manong Wen na sa panahon ngayon ay kailangang may nalalaman ang babae kung paano ide­depensa ang sarili. Mara-ming rapists ngayon. Maski mga traysikel drayber ay nambibiktima ng pasahero. May mga drayber na addict sa shabu kaya nanggagahasa. Iyon ang dahilan kaya marahil tinuruan si Princess ng arnis.

Pinagmasdan pang mabuti ni Jo si Princess habang nagpapraktis. Hanggang ma­pansin niya na may nilapitan si Princess na nakapatong sa mesa. Binuklat ang malaking notebook. Biglang naalala ni Jo ang notebook. Iyon ang ginagamit ni Manong Wen sa pagtuturo ng arnis habang nasa Riyadh. Naroon ang mga teknik sa arnis. May mga exer­cises doon.

Alam ni Jo sapagkat siya man ay tinuruan din ng arnis ni Manong Wen. Sa dis-yerto pa nga siya tinuruan tuwing umaga ng Biyernes na malamig pa ang araw. Sabi sa kanya ni Manong Wen, kailangang may alam siya sa arnis para hindi maagrabyado ng mga loko-loko at sira ang ulo. Kagandahan sa arnis, ayon kay Manong Wen, kahit anong mahawakan mong stick, ke payong, nirolyong diyaryo o kahit na plastic bottle ay puwedeng gamitin sa kalaban para maipagtanggol ang sarili.

Mahusay siya sa arnis dahil sa matiyagang pagtuturo ni Manong Wen. Minsan na siyang napalaban sa tournament sa Riyadh. Champion siya. Nakalaban niya ang mga mababangis na Flying Lions ng Rawdah. Pero nang umuwi dahil finished contract na si Manong Wen, nawalan na siya ng panahong magpraktis. Pero kabisado pa niya ang mga fatal na palo.

Ngayo’y nakita niya ang husay ni Princess. At maaaring nag-base lang si Princess sa notebook ni Manong Wen. Sinusundan lang ang mga hakbang. At nakakabilib ang husay.

Nakita niyang tapos na sa pagpapraktis si Princess. Pawisan ito. Bitbit ang mga arnis, pumasok na ito sa loob ng bahay. Sumiksik sa tinataguan si Jo. Baka siya makita.

Nang makapasok si Prin­cess, marahang sumunod si Jo sa loob. Naiwanan na bukas ang pinto. Nakiramdam si Jo. Narinig niya na nasa kuwarto si Princess. Dahan-dahan siyang lumapit sa kuwarto. Sinilip niya sa siwang ng pinto si Princess.

Nagpapalit ng damit si Princess. Napakaganda ni Princess! (Itutuloy)

vuukle comment

ARNIS

FLYING LIONS

IYON

MANONG

MANONG WEN

PERO

PRINCESS

WEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with