^

Punto Mo

Manong Wen (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKBUHAN pa­labas ng kuwarto ang mga pinsan ni Jo. Parang mga daga na nabulabog. Kanya-kanyang ligtas ng sarili. Kapag nahuli sila ng mga motawa at pulis, masama ang kahahantungan. Tiyak na masisibak siya sa trabaho. Pauuwiin siya at kung mamalasin, baka mabulok siya sa bilangguan dahil matutuklasan na gumamit sila ng bawal na droga o ng marijuana (o damo).

Hindi siya magpapahuli sa mga pulis at motawa! Gagawa siya ng paraan para makatakas. Hinding-hindi siya magpapahuli!

Nag-isip siya ng paraan kung paano makakatakas. Kung gagamit siya ng hagdan pababa o elevator, tiyak na masasalubong niya ang mga motawa. Matitiklo siya. Kung magkukulong siya sa kuwarto ng pinsan, tiyak na lalo siyang mahuhuli.

Mabilis niyang tinungo ang comfort room. Tu­mingala siya. Nakita niya ang exhaust fan. Inalis niya ang pagkakasaksak. Tumuntong siya sa inidoro. Dahil matangkad siya, tamang-tamang naabot niya ang exhaust fan. Binaklas niya. Alam niyang baklasin iyon dahil minsan na siyang nakasama sa isang pinsan na nagkakabit ng mga aircon at kung anu-ano pa. Nang maalis, ipinasok niya ang ulo sa butas na pinag-alisan ng exhaust fan. Sinilip niya ang babagsakan, disyerto. Nasa se­cond floor sila kaya mababa pa rin. Pero maaaring bumagsak siya nang mali at mapilayan. Umalis siya sa pagkakadungaw at bumalik sa kuwarto. Nakita niya ang mahabang kurtina. Pinagkabit-kabit niya. Itinali niya ang isang dulo sa base ng inidoro at ang isang dulo sa kanyang baywang. Sumampa siya sa butas ng pinag-alisan ng exhaust fan at una ang paa ay lumusot siya. Nagpadausdos siya. Dahan-dahan. Para siyang si Spider-Man sa pagkakataong iyon. Hanggang sa isang dipa na lamang ang agwat niya sa lupa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BINAKLAS

DAHAN

DAHIL

GAGAWA

HANGGANG

NAKITA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with