^

Punto Mo

Ang asawa ng serial killer (2)

- Arnel Medina - Pang-masa

SINO ang mag-aakala na ang asawa ni Mary Elizabeth Harriman­ na si Russel Williams ay isang serial killer? Si Russel ay isang respetadong colonel sa Canadian Armed Forces at marami nang nakamit na medalya ng kagitingan. Labingsiyam na taon silang nagsama bilang mag-asawa at sa loob ng panahong iyon, hindi naghinala si Mary Elizabeth na isang mamamatay-tao si Russel. Bukod sa pagiging murderer, isa ring rapist si Russel. Kakatwa rin ang pagnanakaw nito ng panty at inaamoy. Mahilig din umanong silipan ni Russel ang kapitbahay nila na nagtatalik sa balkonahe.

Dalawa umano ang bahay nilang mag-asawa. At nalaman ni Mary na ang kanilang bahay pala ay maraming nakatagong ebidensiya ng mga krimeng ginawa ni Russel. Natuklasan niya ang mga retrato ng kanyang mga pinatay, mga newspaper clippings, news videos, at marami pang iba. Ang mga ito ay nadiskubre ni Mary na nakatago sa basement, sa ilalim ng piano at sa duffle bag. Nakita niya nang minsang maglinis siya ng bahay.

Na-shock umano si Mary nang makita ang napakaraming panty at sex toys sa duffle bag. Bukod pa ang nakita niya sa mga boxes at nakatago sa garahe at sa basement.

Hindi makapaniwala si Mary na naitago ni Russel ang pagkatao sa loob ng 19 na taon. Pero ang lahat ay nabubunyag.

Ngayon ay tanggap na ni Mary ang mga nangyari. (listverse.com)

 

vuukle comment

BUKOD

CANADIAN ARMED FORCES

MARY

MARY ELIZABETH

MARY ELIZABETH HARRIMAN

RUSSEL

RUSSEL WILLIAMS

SI RUSSEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with