^

PSN Showbiz

Direk Maryo inatake sa puso!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Direk Maryo inatake sa puso!

Jake at Direk Maryo

So sad Sunday morning nang itawag sa akin kahapon ni Dolor Guevarra na namatay na si Maryo J delos Reyes sa Dipolog noong Sabado ng gabi dahil sa atake sa puso.

Tulad ng pagkamatay ni Jake Tordesillas na binigla rin ang lahat, gulat din ang binigay sa pagkawala ni Direk Maryo J.

Very special sa akin ang friendship nina Maryo J. at Jake na halos kasabay ng aking career. Nagsimula ang friendship namin sa Tipperary St.., San Francisco, kung saan itinuring kong best friend si Jake Tordesillas, ganoon din ang special friend niya na si Maryo J.

Basta nagkikita-kita kami, ang kumusta na ang Tipperary ang batian namin. So sad na again, one of your God’s gift was taken away to be one of your angels in heaven.

Sa pagkawala nina Jake at Maryo J. napatunayan ko na meron talagang forever, namatay si Jake sa piling ni Maryo J. at sumunod agad ito sa kanya, so in heaven magkasama na sila,happy together.

Forever, you will stay in my memory, our happy days in Tipperary, Jake and Kuya Maryo, forever…

Ruru shocked sa pagkamatay ng pangalawang ama

Shocked na shocked din si Ruru Madrid sa pagpanaw ni Kuya Maryo, na manager at mentor niya.

Nagkita pa ang dalawa sa airport noong Biyernes dahil nagpunta si Ruru sa Iloilo para i-promote ang Sherlock, Jr. at si Maryo J. naman, pumunta sa Dipolog City para mag-attend sa wedding ng isang kaibigan.

Dumalo pa si Maryo J. sa presscon ng Sherlock, Jr. noong nakaraang Lunes, January 22, para bigyan ng moral support si Ruru dahil ito ang bida ng bagong teleserye ng GMA 7 na magsisimula ngayong gabi.

Tulad ng maraming nagmamahal kay Maryo J. nagluluksa nang husto si Ruru sa maaga na pagkawala ng kanyang tatay-tatayan, hindi lamang sa showbiz kung hindi pati sa tunay na buhay. Ito ang kuwento ni Ruru tungkol sa huling pagkikita nila ni Maryo J.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin at mararamdaman ko ngayon pero gusto ko lang yakapin ka Direk Maryo.

“Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa kung nasaan ako ngayon kung anong meron ako ngayon ikaw ang dahilan nun...

“Napakaswerte ko dahil nakilala kita, ikaw ang naging mentor ko hindi lamang sa industriyang ito kundi pati na rin sa buhay ko..

“Alam ko na hindi ko madalas nasasabi sa’yo ang salitang mahal kita, alam ko na hindi ko lagi napaparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal pero mahal na mahal po kita.

“Napakalaking tulong ang binigay mo sa akin hindi lang sa akin, ganun na rin po sa aking pamilya.

“Kahapon nu’ng papunta ako sa Iloilo, napakalaki ng airport pero nagkita pa tayo at niyakap mo ako ng mahigpit.

“Kung alam ko lang na ‘yun na ang huling yakap mo sa akin, sana mas tinagalan at mas hinigpitan ko pa po...   

“Ikaw ang unang naniwala sa aking talent. Hindi mo ko pinabayaan sa lahat ng bagay kaya maraming-maraming salamat po sa inyo Direk.

“Ikaw ang matuturing kong pangalawang ama kaya napakasakit talaga na maiwan mo bilang anak pero iniisip ko na lang na baka pagod ka na at sobra- sobra na po ang naitulong mo sa maraming tao. Mahal na mahal po kita sobra sobra.. RIP.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with