^

PSN Showbiz

Kris pinatawad na si James

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayos na ang lahat sa pagitan ni TV host Kris Aquino at dating asawa at basketbolistang si James Yap.

Ikinuwento ni Kris sa kanyang evening show na “Aquino & Abunda Tonight” na tapos na ang isyu sa kanila ni James mula nang maghiwalay sila noong 2010.

“It took so long to reach this point for both of us. And it took so long for me to feel comfortable already. All it took was for James to acknowledge na naging mabuting nanay talaga ako kay Bimby,” kuwento ni Kris sa kanyang co-host at best friend na si Boy Abunda.

Kaugnay na balita: Kris pinayagan ni Bimby na magka-dyowa uli

“And nung ibigay niya sa akin yun, handang-handa akong ibigay sa kanya na magkaroon sila ng magandang relationship,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Kris na binati rin siya ng ex-husband noong kanyang kaarawan nitong Pebrero 14.

“Nagulat ako dahil on my birthday, on the 14th, James actually texted and greeted me. Sinabi lang niya na, ‘Happy Birthday, Kris. Thank you for being the best mom to Bimby.’ Hindi ko alam ang number niya. So I said, ‘Who’s this please?’ Then sinagot ako three hours after, ‘James.’ Nagreply ako, ‘Yap?’ Tapos after that sabi niya, ‘Yes’,” wika ni Kris.

Kaunay na balita: Kris hindi susuko sa pag-ibig

“Sabi ko, ‘Alagaan mo yung dalawang bata and please wag mong awayin kasi building bridges ito ngayon,’” banggit pa ng artista.

Aminado siyang naiyak siya nang makita ang larawan ni James at bimby kasama pa si Josh nitong Sabado.

Dagdag niya na nagtungo talaga siya ng Singapore upang hayaang makasama ni Bimby ang ama.

 â€œLord, ang tagal. Almost for years, but thank God,” pag-sangayon ni Kris kay Boy. “Peace, love, harmony, moving on!”

Tulutang na-annul ang kasal nina Kris at James noong 2012 kung saan dumating sa puntong humingi ng protection order ang Queen of all media mula sa two-time PBA MVP.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BIMBY

BOY ABUNDA

HAPPY BIRTHDAY

JAMES

JAMES YAP

KRIS

KRIS AQUINO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with