^

PSN Palaro

SHS-Ateneo de Cebu, Hua Siong College of Iloilo pasok sa 32nd SBP-Passerelle Visayas finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabante ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu at ang Hua Siong College ng Iloilo sa national Finals matapos bumandera sa Visayas regional finals ng 32nd SBP-Passerelle twin tournament, ang pinakamatandang twin tournament sa bansa, na idinaos sa Iloilo Sports Complex.

Sa SBP division, pinadapa ng SHS-Ateneo ang St. John Institute of Bacolod, 57-43 sa finals habang inangkin ng Hua Siong College ang third place trophy mula sa ka­nilang 52-37 panalo laban sa St. Mary’s Academy ng Capiz.

Kinopo naman ang Hua Siong College sa Passerelle ang regional championship title matapos padapain ang Bacolod Tay Tung High School, 57- 53 habang tinalo ng University of St. Carlos ang Hercor College, 45-26 para sa ikatlong puwesto.

Ang iba pang regional play-off ay gagawin sa Pangasinan para sa Luzon at sa Nobyembre 11-12 sa Davao para sa Mindanao.

Ang SHS-Ateneo at Hua Siong College ang kakatawan sa Visayas para sa 32nd season ng SBP-Passerelle Twin Tournament national finals na nakatakda sa Disyembre 2 sa Cebu City.

Ibinibigay din ng twin-tournament ang Sportsmanship award sa mga karapat-dapat na paaralan hindi lamang para sa husay ng kanilang mga pla­yers kundi para sa disiplina ng mga parents, coaches, school staff at guests na dumadalo sa event.

Ngayong taon ang award ay iginawad sa Ba­colod Tay Yung High School sa Passerelle division at sa St. John’s Institute sa SBP division.

Inorganisa ng premier sports clinic na Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) Center, ang 32nd SBP-Passerelle Twin Tournament ay suportado ng MILO katuwang ang Rain or Shine Elasto P­ain­ts, Chris Sports at SKLZ.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with