Laguna Gov. ER Ejercito diskwalipikado - Comelec
MANILA, Philippines – Tinatanggalan ng karapatan ng Commission on Elections (Comelec) si Emilio Ramon “ER†Ejercito sa pagkapanalo niya bilang gobernador ng Laguna dahil sa umano’y labis na paggasta sa halalan nitong Mayo.
Inanunsyo ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, sa kanyang Twitter account ang desisyon ng 1st division ng poll body nitong Huwebes ng hapon.
.@COMELEC 1st Division disqualifies Laguna Gov. E.R. Ejercito for overspending in the May 2013 elections. In case you missed it
— James Jimenez (@jabjimenez) September 26, 2013
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Jimenez na gumasta ng P6 milyon si Ejercito para sa mga advertisement pa lamang.
Nakasaad sa patakaran ng Comelec na tanging P3 kada botante lamang ang puwede gastusin ng bawat kandidato ngunit somobra siya ng P1.5 milyon.
Dagdag ni Jimenez na may limang araw si Ejercito upang maghain ng motion for reconsideration at tanging ang Comelec en banc lamang ang makakapagdesisyon nito.
Gov. E.R. Ejercito has five days to file a Motion for Reconsideration before the @COMELEC
— James Jimenez (@jabjimenez) September 26, 2013
Pero nilinaw pa ng tagapagsalita na hindi pa “executory†ang desisyon ng Comelec.
Ipinaliwanag ni Jimenez na kung sakaling mapatalsik nang tuluyan si Ejercito ay si Laguna Vice Governor Ramil Hernandez ang uupo sa pinakamataas na puwesto ng probinsya.
- Latest
- Trending