Alex, ayaw tigilan ng bashers

Na-trigger na naman nito ang bashers ni Alex Eala dahil sa front row siya nakaupo sa fashion show ni Tory Burch sa New York Fashion Week (NYFW).
Kahilera niya sa front row ang fashion media executive na si Anna Wintour, rapper/singer Lauryn Hill at Hollywood actress Amanda Seyfried. May katabi pa si Alex na celebrity rin at ‘yun ang kanyang katsikahan.
Nabalita agad ang tungkol dito at ang layo nang inabot ng comment na “Our gal is FRONT ROW at NYFW with legends.” Ang daming nag-react, ang daming natuwa lalo na at hindi nila ini-expect na spotted siya sa NYFW.
Sabi ni Alex, “It’s my first fashion week. Sports and fashion are common in a way where you get to express yourself and show your personality.”
Kaya namin nasabi na mati-trigger na naman ang bashers nito dahil nang mag-guest siya sa CBS Mornings, may mga nagreklamo. Bakit daw siya ang ini-interview, hindi naman siya winner? Pati ang pa-a-assign sa kanya sa bigger courts kinuwestiyon din dahil ang bigger tennis stars sa US Open ay sa smaller court na-assign.
Biro ng fans, lalo raw magagalit ang bashers nito kapag naimbita si Alex sa Met Gala at sa iba pang Fashion Week. But after NYFW, focus uli siya sa tennis, hectic ang schedule nito, maglalaro sa Singapore at sa Japan. Kaya sa December pa siya makakauwi ng Pilipinas.
Kakai at AiAi, pumatol
Tama lang na patulan nina AiAi delas Alas at Kakai Bautista na tinawag silang “witch” at “engkanto.” Kasi naman, sumingit si basher sa convo ng dalawa na obvious namang nagbibiruan online.
Comment ni Kakai, “Ang ganda mo @msaiaidelasalas” na sinagot ni AiAi ng “@ilovekaye ang ganda mo din!!” at sumagot uli si Kakai ng “Mithyew.”
Pumasok si basher ay sabi, “@ilovekaye @misaiaidelasalas nagbulahan at nagplastikan ang mga Engk*nto!!! MALAYO PA ANG HALLOWEEN BAT LUMABAS NA ANG MGA WIT*HES!!!” at may laughing emojis pa.
Sagot ni Kakai, “Hindi kailangan ng okasyon para lumabas ang mga katulad kong wit**h. Hindi kame katulad mong kailangang magtago sa isang image na hindi ikaw para MAKA-KAIN, magkaroon ng TRABAHO at makaSURVIVE sa buhay.
“Ang s**a ko, PATULOY KANG MAGING MISER*BLE kase DESERVE MO” at sinundan ng fire emojis.
Agree ang netizens sa buwelta ni Kakai sa basher, kaya lang dapat daw hindi nila tinakpan ni AiAi ang name ng basher. Gusto silang makilala ng netizens para mabalikan at maaway na rin.
Studio ni Vice, pinakikialaman
Hindi aprub ang ibang fans sa studio set ng show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV). Masyado raw bright for a late night show ang set.
May mga suggestion para mas gumanda raw ang set at dapat mas malaki ang stage at hindi magmukhang playground.
Well, panoorin muna ang premiere ng show bukas, 10 p.m. sa GMA para malaman kung may dapat bang ireklamo ang fans sa set ng GGV.
Saka parang ang gagaling naman ng fans na ito? Ano bang alam nila sa production?
‘Kaloka sila.
- Latest






















