^

Probinsiya

Konsehal ng bayan, itinumba ng tandem

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Konsehal ng bayan, itinumba ng tandem
Nagtulung-tulong ang mga emergency responders sa pagdala sa ospital sa isang municipal councilor na pinagbabaril ng armadong tandem sa Ba- rangay Salunayan, Midsayap, Cotabato nitong Huwebes, pero idineklarang dead-on-arrival.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang municipal councilor sa isang bayan sa Bangsa­moro Special Geographic Area (SGA) matapos barilin ng tandem suspects habang nasa gilid ng highway sa Barangay Salunayan, Midsayap probinsya ng Cotabato nitong Huwebes.

Ang napaslang ay kinilalang si Nasser Alipolo Dalandang, isa sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan o municipal council ng Kadayangan, isa sa walong bagong tatag na bayan sa Bangsamoro SGA.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Midsayap Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office, nasa kanyang sasakyan si Dalandang na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Salunayan nang lapitan ng dalawang lalaking armado ng mga pistol at agad siyang pinagbabaril.

Ang 37-anyos na si Dalandang ay residente ng Barangay Tugal, Kadayangan. Siya ay nadeklarang dead-on-arrival ng mga doctor sa isang hospital sa Midsayap kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa kanyang pagiging elected official ang pagpatay sa kanya at ang mga responsable sa naturang krimen ay residente rin ng Kada­yangan.

SGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with