Coed nahulog sa ika-4 palapag ng paaralan, utas
MANILA, Philippines — Isang babaeng estudyante ang nasawi nang ito ay mahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang state university sa Talisay City, Negros Occidental, nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang nasawing si Jeralyn Latoza, kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Social Sciences sa Carlos Hilado Memorial State University.
Pinaniniwalaang natalisod ang mga paa ng biktima habang umaakyat patungo ng library sa ikaapat na palapag ng eskuwelahan at nabagok sa mga baitang ng hagdan na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Office of Student Affairs and Services ng paaralan na nagsasabi na walang foul play na nangyari.
Pinabulaanan ni Ma. Victoria Violanda, Director ng CHSMU OSAS ang alegasyon na madulas ang hagdan na siyang hinala ng ilan ng mga nakakita sa nangyari.
- Latest



















