^

Probinsiya

Pulis, estudyante sugatan sa motorcycle crash

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa sugatan ang isang miyembro ng motorcycle cop at isang estudyante makaraang sumemplang nang mabangga niya ang huli, kamakalawa ng gabi sa Maharlika Highway, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon.

Patuloy na inoobserbahan sa MMG Hospital ang pulis na si Ssg. Jorge, samantalang sa Quezon Medical Center (QMC) naman ginagamot ang 21-anyos na estudyante na si “Jaron” ng Brgy. Isabang, Tayabas City.

Ayon kay PLt. Col. William Angway, chief of police dito, bandang alas-11:15 ng gabi ay sakay ang pulis ng kanyang service motorcycle at patungo sa city proper nang biglang tumawid ang estudyante kung kaya nabangga ito.

Dahil sa insidente ay tumilapon ang pulis habang ang motorsiklo ay dumulas sa kalye sa layong 40-metro saka tumama sa nakaparadang Toyota Innova.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with