^

Probinsiya

Magdyowa huli sa P300K droga, mga baril sa Dasma

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Magdyowa huli sa P300K droga, mga baril sa Dasma
Kapwa nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal ang mga suspek na kinilala sa alyas na “Ed”, nasa hustong gulang kasama sa High Value Individual list ng pulisya at ang dyowa nitong si alyas “Heidy”, nasa Street Level Individual list ng pulisya at kapwa residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Timbog ang isang magdyowa na kasama sa HVI at Street Level ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite

Kapwa nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal ang mga suspek na kinilala sa alyas na “Ed”, nasa hustong gulang kasama sa High Value Individual list ng pulisya at ang dyowa nitong si alyas “Heidy”, nasa Street Level Individual list ng pulisya at kapwa residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust ope­ration ang Intel/Drug Enforcement Team ng Dasmariñas City Police kung saan target ang magdyowang suspek.

Napag-alaman na ilang araw na isinailalim sa surveilance ang mga suspek bago isinagawa ang operasyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 57.63 gramo ng shabu na may halagang P391,884.00.

Narekober din sa mga suspek ang isang (1) unit ng Caliber .45 Blue Thunder na baril na may serial number BT4970631, mga bala ng Caliber .45, isang (1) Caliber .45 magazine, at isang (1) black leather pouch.

Inihayag naman ni PCol.nAriel Red, acting provincial director ng Cavite PPO, “Ang pagkakasamsam ng halos apat na raang libong piso halaga ng ilegal na droga at baril ay patunay ng seryosong kampanya ng pulisy laban sa krimen at droga sa Cavite.”

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with