Katiwala ng farm, tinodas sa inuman

SARIAYA, Quezon, Philippines — Isang 46-anyos na lalaking caretaker ng lupang sakahan ang binaril at napatay habang nakikipag-iinuman sa mga kapitbahay nito sa Sitio Pulo, Barangay Mangalang 1 ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si alyas “Dominador”.
Batay sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-7:50 ng gabi. Nakikipag-inuman umano ang biktima sa kaniyang mga kaibigan sa terrace ng bahay nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at bigla na lamang siyang pinaputukan nang walang malinaw na dahilan, na agad nitong ikinamatay.
Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa krimen kasabay ng pagtugis sa suspek.
- Latest

















