PNP officer, nangmolestiya ng babaeng kadete
MANILA, Philippines — Isang PNP officer ang inaresto ng mga otoridad matapos itong ireklamo ng pangmo-molestiya ng isang babaeng kadete na kanya munang nilasing sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite, ayon sa ulat nitong Huwebes.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) IV A, ang biktima ay isang 23-anyos na kadete habang ang suspect ay isang 35-anyos na Police Major.
Sa salaysay ng biktima ang insidente ay naganap noong Hulyo 31 matapos siyang yayaing makipag-inuman ng suspect.
Nang malasing ay nagpamasahe muna ang suspect ng alas-2:30 ng madaling araw at kasunod ay ang pagmolestiya sa kanya.
Nang makahanap ng tiyempo ay nagtatakbo ang kadete at humingi ng tulong sa duty guard sa kabilang gusali at maging sa kanilang superior.
Kaagad namang naaresto ang suspect na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness na itinurnover na sa kustodya ng pulisya.
- Latest




















