^

Probinsiya

Estudyanteng babae nahulog sa ferris wheel, comatose

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Estudyanteng babae nahulog sa ferris wheel, comatose
Stock image of a hospital aisle.
Image by Claudia from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na babaeng estudyante ang na-comatose makaraan itong mahulog sa taas na 10 talampakang ferris wheel sa isang piyesta sa Brgy. Centro, Lal-lo, Cagayan nitong Linggo ng gabi.

Kinilala lamang ng pulisya ang biktima sa pangalan nitong Percy na nananatiling walang malay at patuloy na ino­obserbahan ng mga doktor ang kalagayan.

Base sa imbestigasyon, sumakay sa ferris wheel ang biktima kasama ang ilan nitong kaibigang estudyante at nang nasa 10 talampakang taas ay bigla itong dumungaw sa ibaba bunsod upang mahilo ito at dumulas hanggang sa tuluyang mahulog.

Nabatid na may armbar ang ferris wheel pero wala itong seatbelt na lubhang delikado para sa mga sumasakay dito. Nag­responde naman ang rescue team ng lokal na pamahalaan at katuwang ang mga pulis ay isinugod sa pagamutan ang sugatang estu­dyante na nabalian pa ng buto sa insidente.

Kasalukuyan namang isinasailalim sa imbestigasyon ng pulisya ang operator ng ferris wheel at assistant nito kaugnay ng kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries sa naganap na aksidente.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with