Suspek na pumatay sa ex-Masbate Vice Mayor, nadakip

MANILA, Philippines — Isang negosyante na itinuturong suspect sa pagpatay kay dating Masbate, Claveria Vice-Mayor Joseph Magallanes noong 2010 ang naaresto sa Golden City Subdivision, Barangay Balibago, Sta. Rosa City, Laguna.
Kinilala ni Lt. Col. Benson Pimental, Sta. Rosa City police chief, ang suspek na si Dave Ybanez, 58, alyas “Baldeo”, scrap trader naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa pagpatay na inisyu ni Honorable Teodoro Solis, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 25, Biñan City, na may petsang Oktubre 7, 2012 na walang inirekomendang piyansa.
Sa ulat na si Ybanez ay nakalista bilang most wanted persons sa Regional level na naaresto sa hideout nito noong Linggo, alas-12:00 ng gabi.
Si Ybanez ay nagtago ng halos 15 taon mula sa iba’t ibang probinsya sa Calabarzon hanggang sa bumalik sa Sta. Rosa City at sinusubaybayan ng grupo ng intelligence units sa tulong ng mga komunidad.
Batay sa record, nakatayo ang biktima sa harap ng gate ng kanyang bahay nang salakayin ng dalawang suspek sa Buenarosa Subdivision sa Barangay Labas, Sta. Rosa, Laguna, noong Disyembre 9, 2010 nang ito ay pagbabarilin.
Ayon sa imbestigasyon pulitika at tunggalian sa negosyo na sangkot sa scrap trading ang tinitingnan ng pulisya bilang motibo sa likod ng pagpatay kay Magallanes.
- Latest






















