^

Probinsiya

Babaeng 'naningil ng P50k' na utang nakitang patay sa loob ng icebox

James Relativo - Philstar.com
Babaeng 'naningil ng P50k' na utang nakitang patay sa loob ng icebox
Satellite image ng Trece Martires, Cavite
Google Maps

MANILA, Philippines — Wala ng buhay nang makita sa Trece Martires City, Cavite ang isang 25-anyos na babae matapos matuklasan sa bahay ng pinaghihinalaang salarin. Ang katawan ng biktima, inilagay sa loob ng cooler.

Napag-alaman ang kinalagyan ng mga labi sa Brgy. Hugo Perez nitong Miyerkules ng gabi matapos itimbre mismo ng misis ng suspek sa mga awtoridad.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabing inamin ng 36-anyos na jeepney driver sa asawa ang pagbigti sa biktima gamit ang lubid hanggang mamatay. Dagdag pa ng ginang, hindi raw sinasadya ng kanyang kabiyak na mapatay ang babae.

Itinago ang bangkay sa loob ng malaking ice box para maiwasang makita ng mga alagad ng batas. Nakunsensya raw ang suspek kung kaya't naamin ang problema sa misis.

Naaresto naman na raw ang suspek sa pagpatay, ayon sa ulat ng dzBB ngayong Huwebes. Tinitignan ng Cavite police ang motibong alitan sa pera kaugnay ng krimen.

Una nang naiulat na maniningil sana ng P50,000 na utang ang babae bago masawi.

vuukle comment

CAVITE

DEBT

TRECE MARTIRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with