^

Probinsiya

Sanggol kinatay, tatay nagsaksak sa sarili

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Sanggol kinatay, tatay nagsaksak sa sarili
Labis ang pagdadalamhati ng isang ina nang makitang nasa loob ng kabaong ang sanggol na anak na babae makaraang katayin ng sarili nitong ama na umano’y adik sa Brgy. Tikalaan, Talakag, Bukidnon nitong Lunes.
John Unson

Dahil sa away mag-asawa

COTABATO CITY, Philippines — Dahil umano sa galit sa misis matapos ang kanilang mainitang pagtatalo, kinatay ng isang mister na sinasabing lulong sa shabu ang kanilang sariling sanggol na ikinamatay nito saka siya nagsaksak sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon nitong Lunes.

Sa ulat nitong Miyerkules ng Police Regional Office-10, sinampahan na ng kasong parricide ang suspect na kinilalang si Ferdinand Catoto na mahigpit na ginuguwardyahan ng mga kasapi ng Talakag Municipal Police Station sa ospital habang nagpapagaling matapos niyang saksakin ng kutsilyo ang sarili nang mapatay niya ang kanyang 1-anyos na anak na babae.

Ayon sa Talakag Municipal Police Station at sa Bukidnon Provincial Police Office, nagkaroon ng pag-aaway si Catoto at kanyang kabiyak dahil sa iba’t ibang problema sa pamilya sanhi upang umalis sa kanilang tahanan ang ginang.

Dahil dito, tila nabur­yong ang mister na sinasabing adik hanggang sa napagbuntungan ng galit nito ang sanggol na anak. Agad niyang sinaksak ng kutsilyo ang walang muwang na beybi at nang makitang patay na ang bata ay sinaksak naman nito ang sarili.

Nadatnan ng mga rumespondeng pulis ang sanggol na wala nang buhay habang duguan ang tatay na suspek kaya isinugod sa ospital.

vuukle comment

BUKIDNON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with