^

Probinsiya

Van at motor sumalpok sa trak: 4 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Van at motor sumalpok sa trak: 4 patay
Sa ulat ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, dakong ala-1:08 ng madaling araw unang sumalpok sa likurang bahagi ng nakahimpil na tractor truck na nasiraan ng injection pump sa outer lane ng highway ang isang motorsiklo.
STAR/File

CASIGURAN, Sorsogon, Philippines — Apat katao ang nalasog habang dalawa ang patuloy na nilalapatan ng lunas matapos na magkasunod na bumangga ang isang van at motorsiklo sa nasiraang tractor truck sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon kamakalawa.

Sa ulat ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, dakong ala-1:08 ng madaling araw unang sumalpok sa likurang bahagi ng nakahimpil na tractor truck na nasiraan ng injection pump sa outer lane ng highway ang isang motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakabangga ay dead-on-arrival ang lalaking rider sa Sorsogon Provincial Hospital sa Sorsogon City.

Dakong alas-4:30 naman ng madaling araw, isang pang Hi-Ace van na galing Metro Manila at patungo sana sa bayan ng Matnog ang malakas na sumalpok sa kanang bahagi ng naturang truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, natanggal ang pintuan ng van at nabaklas ang dingding hanggang sa likurang bahagi ng sasakyan.

Dead-on-the spot ang isang pasahero; isa pa ang dead-on-arrival sa ospital at isa ang namatay habang nilalapatan ng lunas.

Dalawa sa mga pasahero ang patuloy na ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital.

vuukle comment

MAHARLIKA NATIONAL HIGHWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with