^

Probinsiya

2 ‘tulak’ arestado sa P421K shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Mahigit P421,000 na halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng Cabanatuan City Police sa isang babaeng itinuturing na high vaue individual (HVI) at isang lalaki na kasabwat umano nito, sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 7 ng Barangay Bantug Norte, dito, kamakailan.

Ayon kay P/Lt.Col. Warly Bitog, hepe ng pulisya rito, April 4 nang bumagsak sa kamay ng batas ang 45-anyos na babaeng suspek na nakalista bilang HVI at ang kasabawat nitong 27-anyos na lalaki, at kapwa nakuhanan ng pinagsamang shabu na nagkakahalaga ng P421,600 na may timbang na 62 gramo.

Ayon sa ulat, unang nahui ang babaeng suspek at nakumpsikahan  ng 57 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P387,600 ang halaga at sunod namang nahuli ang kasabwat nito na nakuhanan ng 5-gramong shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Magkatuwang na isinagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Cabanatuan City Police Sat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Nueva Ecija. 

vuukle comment

HVI

WARLY BITOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with