^

Probinsiya

Running gun battle sa Albay Bomb expert na NPA official, nasukol ng Army

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Running gun battle sa Albay Bomb expert na NPA official, nasukol ng Army
Kinilala ang suspek na si “Arsenio Opesa, may mga alyas na “Ka Disoy”, “Andro” at “Domeng”, vice-commanding officer ng Sentro de Grabidad-sub regional committee 3, komiting probinsya ng Bicol Regional Party Committee ng NPA na may malawak na operasyon sa buong Albay.
Interaksyon / File

PIO DURAN, Albay, Philippines — Nasukol ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Albay na itinuturing na bomb expert matapos ang ilang oras na habulan at putukan makaraang magkaen­kwentro ang mga kasapi ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga pulis sa bulubunduking lugar ng Brgy. San Vicente sa bayan ng Jovellar na umabot hanggang sa Purok-6, Brgy. Matanglad ng Pio Duran sa lalawigang ito noong gabi ng Huwebes santo.

Kinilala ang suspek na si “Arsenio Opesa, may mga alyas na “Ka Disoy”, “Andro” at “Domeng”, vice-commanding officer ng Sentro de Grabidad-sub regional committee 3, komiting probinsya ng Bicol Regional Party Committee ng NPA na may malawak na operasyon sa buong Albay.

Sa ulat, nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 49th Infantry Battalion ng 9th Infantry Division pasado alas-9 ng gabi sa Brgy. San Vicente, Jovellar makaraang makakuha ng impormasyon na nagkakampo sa lugar ang tinatayang nasa 20 na bilang ng mga komunista at nagtipon-tipon na pinaniniwalaang bahagi pa ng kanilang pagdiriwang sa ika-56 na taong ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines.

Nagkaroon agad ng bakbakan ang magkabilang panig kung saan tumulong na rin ang mga tauhan ng Albay Police hanggang sa masukol sa Brgy. Matanglad, Pio Duran si Opesa.

Maliban sa pagkakahuli kay Opesa, pinaniniwalaang may mga sugatan pang kadre na kasamahan nito dahil sa nakitang mga patak ng dugo sa lugar ng engkuwentro.

Nabawi mula sa mga komunista ang wires at ibat-ibang kagamitan sa paggawa ng bomba, laptop, AR 15 Assault Rifle, mga bala, subersibong dokumento at personal na mga gamit ng mga NPA.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with