^

Probinsiya

2 HVI timbog sa higit P300K shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 HVI timbog sa higit P300K shabu
Nasa kustodya nang pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprohensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kinilala lang sa mga alyas na Orlando at Sol, kapwa residente ng nasabing lugar.
Pixabay / File

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawa na kabilang sa listahan ng mga High Value Individual (HVI) ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Gregoria de Jesus, Gen Mariano Alvarez, ng lalawigang ito.

Nasa kustodya nang pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprohensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kinilala lang sa mga alyas na Orlando at Sol, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na ulat sa pulisya, alas-9:50 ng gabi nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit ng GMA Municipal Police Station ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Nang magpositibo ang transaksyon at magkaabutan ng droga at buy-bust money, agad na dinakip ang dalawang suspek at nasamsam sa kanila ang may 6-selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng 45 gramong shabu at nagkakahalaga ng P306,000.

Nakumpiska rin sa dalawa ang isang digital na timbangan, mga plastic sachet na gamit sa pagre-repack ng shabu at drug money na gamit sa operasyon.

vuukle comment

HIGH VALUE INDIVIDUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with