^

Probinsiya

Cellphone store hinoldap, gadgets at pera nilimas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Isang cellphone store ang inatake at hinoldap ng apat na armadong lalaking lulan ng dalawang motosiklo at tinangay ang kinitang pera at mga tinitindang gadgets kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Mabuhay, Carmona City Cavite.

Sa imbestigasyon ng Carmona Police, dakong alas-12:09 ng tanghali nang pasukin at holda­pin ng apat na suspek ang PIA’s Gadgets Store sa B14 L7, Cityland Subdivision, Gate 1, Brgy. Mabuhay Carmona City na pagmamay-ari ng negosyanteng si Gene Irish Dela Torre, residente rin ng nasabing lugar.

Base sa kuha ng CCTV ng nasabing store, sabay-sabay na pumasok ang apat na suspek at agad na naglabas mg mga baril at nagdeklara ng holdap.

Isa sa mga suspek ang lumapit sa cashier booth at tinangay ang mga pera at nilimas ang lahat ng iphone cellphone dito.

Matapos nito ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek. 

Sa salaysay ng biktima, magkakaangkas ang mga suspek sa isang MIO motocycle at isa pang itim na motorsiklo nang biglang dumating sa store. Sila ay mga nakasuot ng kulay brown jacket, asul na  helmet, maong pants,  Como green jacket, pink helmet,  red jacket, itim na pants at pink na may violet helmet ang mga suspek.

vuukle comment

GADGETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with