^

Probinsiya

Dayong bebot, kasabwat huli sa droga

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GENERAL TINIO, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang 33-anyos na babae na umano’y drug pusher at isang kasabwat nitong lalaki makaraang dumayo pa para magbenta ng illegal na droga sa Barangay Concepcion sa bayang ito, noong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang dinakip na suspek na si alyas “Tina”, ng Pacheco St., Tondo, Manila at kasama nitong lalaki na si John Mark del Rosario,  may-asawa, jobless ng Purok Guyabano, Barangay Concepcion, dito.

Nakuhanan ang dalawang suspek ng anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may pinagsamang timbang na 7.03 gramo at nagkakahalaga ng P47,804.

Ayon sa ulat, alas-2 ng madaling-araw ng Lunes nang isagawa ang buy-bust ng pinagsanib na puwesa ng General Tinio Police at ng Provincial Police Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office (PPDEU-NEPPO) kung saan nabilhan umano si alyas “Tina” ng droga ng poseur buyer na pulis.

Dahil dito, inaresto ang babaeng suspek at nang kapkapan ay nakuhanan ng dalawa pang plastic sachet na may lamang droga. Nakuha rin sa kanyang kasamang si Del Rosario ang tatlo pang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala na sa Nueva Ecija Crime Laboratory Office ang mga ebidensiya para sa pagsususri at tamang disposisyon habang sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng RA9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with