^

Probinsiya

Meat vendor arestado sa holdap

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines – Nasukol ng guwardiya ng isang nature park ang papatakas na sanang 32-anyos na lalaking nangholdap umano sa dalawang 19-anyos na kapwa college student na namamasyal lang sa lugar noong Huwebes ng hapon sa Barangay Tayabo ng lungsod na ito.

Sa ulat ng San Jose City Police, pinigilan at hinuli sa pagtakas ng naka-duty na guwardiya ng Diamond Nature Park ang hinihinalang holdaper na isang 32-anyos na meat vendor kasabay ng pagkarekober sa mga kinulimbat nito sa dalawang biktima.

Nabatid na isang lalaki at isang babae ang biktima na kapwa namamasyal sa nasabing park dakong alas-4 ng hapon nang bigla umanong dumating ang nasabing suspek.

Dito ay tinakot at binantaan umanong papatayin ng suspek ang dalawa kung hindi umano nila ibibigay ang kanilang mga mahahalagang gamit, habang tila naka-akma umano ang suspek na may binubunot sa kanyang baywang.

Dahil sa takot, wala umanong nagawa ang dala­wang biktima nang puwersahang kunin ng suspek sa kanila ang isang sling bag; dalawang cellphone na Samsung at Vivo; cash na P2,200; ilang ATM, IDs, passport, at silver necklace na nagkakahalaga ng P4,000.

Agad na tumakas ang suspek ngunit ang dalawang biktima ay gumawa ng ingay at humingi ng saklolo sa mga tao roon na tiyempo naman na rumo­ronda umano ang nasabing guwardiya na siyang tumulong na maaresto ang suspek at maibalik sa dalawang biktima ang kanilang mga mahahalagang gamit.

Dinala ang suspek sa pulisya at nabawi sa kanyang pag-iingat ang isang kitchen knife na ginamit umano niya sa panghoho­ldap. Nakatakdang sampahan ng kasong robbery ang suspek.

vuukle comment

TAYABO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with