^

Probinsiya

Cyclone plane, nawawala sa Isabela

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isa na namang Cyclone Aircraft ang iniulat na nawawala matapos na mabigong makalapag sa Palanan Airport ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ayon sa report, ang Cyclone PA32 aircraft, na may tail number na RP-C 1234, ay unang umalis sa Cauayan Airport dakong alas-9:39 ng umaga su­balit hindi na ito nakalapag sa destinasyon.

Napag-alaman na sakay ng nasabing eroplano ang piloto na si Capt. Levy Abul II at isang pasahero.

Sa inilabas na report ng Civil Aviation Autho­rity of the Philippines (CAAP), nawala umano ang komunikasyon nila sa eroplano at hindi na rin makontak ang piloto.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang mga kinauukulan sa iba pang sangay ng gob­yerno at pribadong sektor para matunton ang nawawalang eroplano.

Napag-alaman na ­ilang araw na rin na hindi maganda ang panahon lalo na sa nasasakupan ng Sierra Madre dahil sa pag-ulan bunsod ng amihan.

Matatandaan na noong Enero 24 nitong taon nang mahulog ang Cessna 206 plane na may tail number RPC 1174, patungo sana sa bayan ng Maconacon, mula rin sa airport ng Cauayan City. Patay ang anim na sakay nito nang matagpuan ng mga search and rescue personnel matapos ang 44 na araw na paghahanap sa kagubatan ng Sierra Madre.

vuukle comment

AIRCRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with