^

Probinsiya

2 tulak tiklo sa mahigit P.4 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 tulak tiklo sa mahigit P.4 milyong shabu
Ayon kay Quezon Police Provincial DIrector, PCol. Ledon D. Monte, kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Adong, 38 taong gulang, residente ng Brgy. 8, at alyas Kevin, 20 taong gulang, residente ng Brgy. Ilayang Iyam na kapwa mayroong previous drug case records.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado and dalawang tulak na kabilang sa talaan ng mga High Value Individuals (HVI) matapos makumpiskahan ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P410,040.00  sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Quezon Police Provincial DIrector, PCol. Ledon D. Monte, kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Adong, 38 taong gulang, residente ng Brgy. 8, at alyas Kevin, 20 taong gulang, residente ng Brgy. Ilayang Iyam na kapwa mayroong previous drug case records.

Isinagawa ng mga otoridad ang buy-bust operation, alas- 2:50 ng hapon at aabot sa 20.1 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga ito.

Nasa kustodiya ng Lucena PNP Custodial Facility ang mga suspek upang sumailalim sa dokumentasyon at proseso batay sa kanilang kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

vuukle comment

HVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with