^

Probinsiya

2 kabataan huli sa pagtutulak ng ‘damo’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Nalambat ng pulisya ang dalawang kabataan habang nakatakbo ang isa pa nilang kasamahan sa inilatag na drug-bust ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Rafael 4, Noveleta, Cavite.

Kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag Sec. 5, Sec. 11 at Sec. 26 ng Art II ng R.A. 9165 ang mga suspek na nakilalang sina Cedric Gonzales, 20-anyos residente ng Brgy. Putol, Kawit, Cavite at John Prince Lofamia, 18, ng Brgy. Sta. Isabel, Kawit, Cavite habang tinutugis ang nakatakas nilang kasamahan na si Jen Joshua Marcial, 22, ng Brgy. Putol Kawit, pawang nasa drug watchlist ng pulisya.

Ayon kay Police Major Rene Dale Cairel, hepe ng pulisya, alas-2:30 ng hapon nang ilatag ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Noveleta Police ang anti-illegal drug operation laban sa mga suspek.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang magkaabutan ng droga at marked money ay agad na dinakma ang mga suspek habang mabilis na kumaripas ng takbo ang isa.

Narekober sa mga suspek ang limang selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mga high grade marijuana (kush) na aabot sa 44 gramo, buy-bust money at isang Honda Click 125 na kulay itim/pula na walang plate number.

vuukle comment

SDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with