^

Probinsiya

Kandidatong kagawad itinumba sa palengke

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong kagawad itinumba sa palengke
Sa pahayag kahapon ni Major Arvin John Cambang, hepe ng Pikit municipal police, namimili si Rhoyden Flores ng mga gulay sa isang tindahan sa Barangay Takepan nang lapitan ng isang lalaki at binaril ng .45 caliber pistol sa ulo.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang kandidato sa pagka-kagawad ng isang barangay sa Pikit, Cotabato nang ito ay pagbabarilin, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Sa pahayag kahapon ni Major Arvin John Cambang, hepe ng Pikit municipal police, namimili si Rhoyden Flores ng mga gulay sa isang tindahan sa Barangay Takepan nang lapitan ng isang lalaki at binaril ng .45 caliber pistol sa ulo.

Ayon kay Cambang, dalawang anggulo ang kanilang tinitingnan na posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima at una rito ay ang kanyang kandidatura sa pagka-kagawad sa barangay council ng Takepan at pagtulong nito sa pulisya na masawata ng mga gawain ng ilang mga masasamang tao sa kanilang barangay.

Kilala rin si Flores, isa sa mga pinuno ng Barangay Peacekee­ping Action Team sa Takepan, na walang sinasanto sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar na magkahalong mga Muslim at mga Kristiyanong ang mga residente.

vuukle comment

KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with