^

Probinsiya

Bus terminal grinanada, 1 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bus terminal grinanada, 1 sugatan
Kinordon na ng awtoridad ang paligid ng Husky Bus terminal na hinagisan ng granada ng dalawang suspek sa mataong bahagi ng isang highway sa Cotabato City.
John Unson

COTABATO CITY – Isang tao ang sugatan matapos pasabugan ng granada ng dalawang ‘di kilalang suspek ang harapan ng isang bus terminal, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Cotabato City Police Office, ang sugatan sa naturang pagsabog ay si Mohammad Alim, 37-anyos, dispatcher ng mga pampasaherong jeepney at mga van na naghihintay ng mga pa­sahero ng mga unit ng Husky Bus na bumababa sa terminal nito sa gilid ng Sinsuat Avenue rito na ‘di kalayuan sa isang police checkpoint. 

Ayon sa mga saksi, isa sa dalawang lala­king magkaangkas sa motorsiklo ang naghagis ng granada sa tapat ng Husky Bus terminal na nakatakas bago umali­ngawngaw ang malakas na pagsabog sa kapaligiran.

Nabatid na makailang ulit na ring binomba ng mga teroristang nangi­ngikil ang ilang unit ng nasabing bus company upang mapilitang magbigay ng pera ang may-ari nito bukod sa tangkang pambobomba sa bus terminal nito.

Noong Abril 17, anim na pasahero ng isang double-decker Husky Bus ang sugatan sa pambo­bomba ng grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang nakaparada sa municipal terminal ng Isulan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Maagap naman na napigil ng mga bomb experts ng Cotabato City Police Office at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang tangkang pagbomba, gamit ang tatlong improvised explosive devices, ng Husky Bus terminal noong May 31.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with