^

Probinsiya

Van salpok sa 10-wheeler truck: 2 criminology student patay, 14 pa sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Van salpok sa 10-wheeler truck: 2 criminology student patay, 14 pa sugatan
Wasak na wasak ang van na sinakyan ng 16 criminology students matapos na sumalpok sa isang nakaparadang 10-wheeler truck na ikinasawi ng dalawa sa kanila sa Malungon, Sarangani nitong Linggo.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang criminology student habang 14 pang kasamahang estudyante ang malubhang nasugatan nang bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang nakaparadang 10-wheeler truck sa Malungon, Sarangani nitong Linggo.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Malungon Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, pauwi na sa Kidapawan City galing sa Rover Scouting Event sa Glan, Sarangani ang mga biktima na sina Christian Mark Corde­ro at Allan Peniero, at 14 pang kasamahang estud­yante nang sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa isang 10-wheeler truck na nakaparada sa gilid ng highway sa Purok Agdao, Barangay Talus, Malungon, Sarangani.

Ginagamot na sa isang hospital ang mga sugat at pasa sa katawan ng mga kasama ng nasawing sina Cordero at Peniero, mga criminology students sa Central Mindanao College sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato at parehong mga miyembro ng Alpha Phi Omega fraternity.

Ayon kay Brig. Gen. Percival Augustus Pla­cer, director ng PRO-12, inaalam pa ng mga imbestigador ng Malu­ngon MPS kung ano ang nagsanhi ng naturang aksidente.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with