^

Probinsiya

Magdyowa tiklo sa higit P1 milyong droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng maglive-in partner na kabilang sa talaan ng mga High Value Individual (HVI) na sangkot sa operasyon ng iligal na droga matapos na malambat sa anti-drug operation sa Barangay Pili, Sariaya, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ledon Monte ang mga naaresto na sina Rommel Rejano, 31-anyos, at Rose Ann Oabel, 24, kapwa residente ng Purok Sta.Theresa,Barangay Dalahican, Lucena City.

Isinagawa ng mga operatiba ng Sariaya Police Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Lt. Col. Rommel Sobredo ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-5:30 ng hapon.

Nakumpiska buhat sa pag-iingat ng maglive-in partners ang isang sling bag na naglalaman ng 13 plastic sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 56 grams na nagkakahalaga ng P1,142,400.00, P2,000 marked money at isang cellphone.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

HVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with