^

Probinsiya

Bokal, 1 pa dedo sa road mishap sa Isabela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bokal, 1 pa dedo sa road mishap sa Isabela
Kinilala ang mga nasawi sina Bokal Michael Angelo Ramones at si Mario Acupan, isang barangay peacekeeping action team member.
STAR/ File

Barangay tserman sugatan

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay ka­bilang ang isang mi­yembro ng Sangguniang Bayan ng San Mateo, Isabela habang sugatan ang kanilang kasamang barangay chairman matapos na maaksidente ang sinasakyan nilang kotse sa Cabatuan, Isabela kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi sina Bokal Michael Angelo Ramones at si Mario Acupan, isang barangay peacekeeping action team member.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang isa pang kasamahan ng mga nasawi na si Sonny Baysa, isang barangay chairperson.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na tinatahak ng kotse ni Ramones ang kalsada ng Barangay Saranay papuntang sentro ng Cabanatuan at nang makarating umano sa kurbadang bahagi ng kalsada ay sumalpok ito sa konkretong perimeter fence at nawalan siya ng kontrol sa manibela.

Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima subalit hindi na rin naisalba pa ng mga doktor ang dalawa.

vuukle comment

SAN MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with