^

Probinsiya

Trike driver pinabulagta sa daan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trike driver pinabulagta sa daan
Sinubukan pang isugod ng mga rumespondeng rescue team ng Bureau of Fire Protection sa MMG Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Ronie Llaban Ibo, 47-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
Graphics by Philstar John Villamayor

NABUA, Camarines Sur, Philippines — Bulagta sa tabi ng kalsada ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa tabi ng kalsada sa Zone-1, Brgy. La Opinion, Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga rumespondeng rescue team ng Bureau of Fire Protection sa MMG Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Ronie Llaban Ibo, 47-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-7:20 ng gabi habang nakatayo ang biktima sa tabi ng kalsada nang biglang sumulpot ang suspek sa harapan nito.

Bago pa nakakilos ang biktima ay mabilis na bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang motibo at pagkaka­kilanlan ng suspek.

vuukle comment

TRICYCLE DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with