^

Probinsiya

Traffic enforcer papasok sa duty, pinagbabaril

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE — Kritikal at nakatakdang operahan sa ulo ang isang traffic enforcer makaraang pagbabarilin ng tatlong lalaki habang naglalakad papasok sa trabaho kahapon ng madaling araw sa Brgy.Zapote 4, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Airon Pineda Galicia, 31-anyos, BTMO traffic enforcer ng Bacoor at residente sa naturang lungsod.

Sa nakalap na ulat sa pulisya, alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima papunta sa kaniyang duty post sa Tramo St. Brgy. Zapote 4 matapos dikitan ng mga suspek na nakamotorsiklo at sunud-sunod na pinagbabaril sa ulo.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad namang naitak­bo sa Las Piñas Ge­neral Hospital and Satellite Trauma Center ang biktima at hanggang sa sinusulat ang ulat na ito ay kritikal ang kondisyon nito sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa naturang enforcer.

vuukle comment

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with