^

Probinsiya

Parak huli sa indiscriminate firing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang pulis matapos itong masangkot sa indiscriminate firing sa Brgy. Bulihan, Rosario, Batangas nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Ronald Pamis, nakatalaga sa Health Service ng Philippine National Headquarters sa Camp Crame.

Sa ulat, alas -8:00 ng gabi nang masakote ng mga kapwa nito pulis si Pamis habang walang habas na nagpapaputok ng baril sa nasabing lugar.

Nabatid na nakatanggap ang Rosario Municipal Police Station ng tawag sa telepono hinggil sa indiscriminate firing sa  nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspect.

Nasamsam sa pag- iingat nito ang isang unit ng Glock caliber 9 MM, limang piraso ng basyo ng cartridge at basyo ng bala mula sa service firearm ng nasabing parak.

Una nang nagbabala si PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., na sinumang pulis na mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing ngayong Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon ay mahaharap sa pagkakasibak sa serbisyo.

vuukle comment

INDISCRIMINATE FIRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with