^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol, iniwan sa damuhan sa Romblon

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Bagong silang na sanggol, iniwan sa damuhan sa Romblon
Kuha ng isang bagong silang na sanggol matapos masagip ng Ferrol Municipal Police Station, Rural Health Unit ng Ferrol at barangay officials ng Hinag-oman.
Ferrol PNP

(Rombon News) — Isang bagong silang na sanggol ang inabandona ng kanyang mga magulang sa isang damuhan sa Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng Ferrol Municipal Police Station, nakita ang batang sanggol na nakabalot ng jacket malapit sa isang creek sa barangay, at napapalibutan na ng mga langgam.

Matapos makita ng ilang residente sa lugar, isinumbong ito sa mga otoridad, at dito na ito iniligtas ng mga tauhan ng Ferrol Municipal Police Station, Rural Health Unit ng Ferrol at barangay officials ng Hinag-oman.

Dinala ang bata sa Rural Health Center para doon gamutin at kalaunan ay inilipat sa Romblon Provincial Hospital.

Inaalam na ng mga kapulisan ang posibleng pagkakakilanlan sa mga magulang ng sanggol.

 

Romblon News is a regional partner of Philstar.com.

vuukle comment

BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with