^

Probinsiya

7 drug suspects timbog sa P1.3 milyong shabu at 2 baril

Ramon Lazaro - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Pitong drug suspects ang naaresto sa dalawang anti-drug operation sa lalawigan ng Bataan at Pampanga at nakum­piska ang nasa P1.3 mil­yon halaga ng shabu.

Sa ulat na nakara­ting kay Brig. Gen. Matthew Baccay, regio­nal police director  ng Central Luzon, kinilala ang mga naaresto sa Barangay Villa Angeles Orion, Bataan na sina John Kevin Manla; Jayson Paguio; Jerry Monla; Mateo Aquimo at Jiezl Angeles at nakumpiska sa kanila ang nasa 50 gramo na pinaghihinalaang shabu na may street value na P400,000, isang .45 caliber pistol at .22 caliber revolver.

Samantala, naaresto rin sina Jemaimah Datu, alias Mai-mai at Sadam Bertudam alias Muslim/Kuya sa isang entrapment ope­ration sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga at nakum­piska sa kanila ang nasa 130 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P884,000!; isang digital weighing scale; at Android cellphone.

vuukle comment

MATTHEW BACCAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with