^

Probinsiya

Suspek sa robbery, rape-slay sa Batangas, natimbog

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa robbery, rape-slay sa Batangas, natimbog
Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Jose, 35 at Kenneth Manzanero, 31, pawang mga residente ng Riles Site, Purok 2, Brgy. Balintawak, Lipa City.
STAR/ File

BATANGAS, Philippines — Nasakote ng mga miyembro ng Lipa City Police ang mga pinaghahanap na mga suspek na sangkot sa insidente ng pagnanakaw, panggagahasa at pagpatay sa lungsod ng Lipa noong nakaraang buwan.

Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Jose, 35 at Kenneth Manzanero, 31, pawang mga residente ng Riles Site, Purok 2, Brgy. Balintawak, Lipa City.

Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang suspek ay isinasangkot sa pagpatay at panggagahasa kay ­Lo­rena Roaring noong Abril 19 sa lay-by ng KM 78+900 Southbound, Startollway, Brgy. Tibig, Lipa City at isa pang babaeng biktima.

Ito ay matapos kilalanin ng asawa ni Roaring na si Mark ang mga gamit ng kanyang asawa na narekober mula sa mga suspek.

Una nang inireklamo ng isang Jojie Mayo si Jose dahil sa panunutok at pagpapaputok ng baril na nagbunsod para arestuhin ito.

Sa isinagawang operasyon ng Lipa Police, narekober mula kay Jose ang isang kalibre 45 na Colt MK IV, mga bala, magazine, at isang Realme cellphone.

Narekober naman mula kay Kenneth Manzanero ang isang kalibre 22 na magnum revolver at mga bala para sa kalibre 45. na baril.

Gayunman, habang iniimbestigahan sina Jose at Manzanero sa Lipa Police Station, positibong kilala ng 36-anyos na biktima ang dalawa na sila umanong gumahasa at nagnakaw sa kaniya.

Agad na nakilala ng rape victim ang Nike slip-on na tsinelas na suot ng suspek na si Jose na siya ring suot nito noong araw na ninakawan at ginahasa ang una.

Samantala, narekober din mula sa tirahan ng mga suspek ang isang PAF uniform green t-shirt, itim na Ego Denim Edge na pantalon. Nakuha rin dito ang garterized band; isang Samsung cellphone; isang Huawei Cellphone; isang lucky bracelet na itim; at isang itim na bag na may trademark na HP na pag-aari ng biktimang si Lorena Roaring

Nasampahan na ng kasong “Robbery with Rape” ang mga suspek noong Mayo 30, 2022 sa opisina ng Assistant City Prosecutor ng Lipa City.

vuukle comment

LIPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with