^

Probinsiya

Misis sinaksak ng mister na sinundo sa inuman

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Misis sinaksak ng mister na sinundo sa inuman
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rowena Belen, habang natukoy naman ang suspek na si Rommel Belen, 47, isang mekaniko,kapwa ng Purok 7, Barangay Aduas Sur.
STAR/File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 46-anyos na ginang na overseas Filipino worker (OFW) makaraang pagsasaksakin ng kanyang lasing na mister sa Purok Amihan, Barangay Barrera ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rowena Belen, habang natukoy naman ang suspek na si Rommel Belen, 47, isang mekaniko,kapwa ng Purok 7, Barangay Aduas Sur.

Sa imbestigasyon, alas-8:30 ng gabi nitong Miyerkules, pinuntahan ng biktima ang kanyang mister na nakikipag-inuman sa nasabing barangay upang sunduin at pauwiin na rin.

Pagdating sa bahay ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa hindi umano nagustuhan ng suspek ang ginawang pagsundo ng kanyang misis sa inuman.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng patalim ang mister at pinagsasaksak ito  sa dibdib, braso at paa.

Agad na humingi ng tulong ang mga nakakita sa pangyayari at inaresto ng Barangay Peace and Action Team ang suspek at itinurn-over ito sa himpilan ng pulisya. Nakatakdang sampahan ng kasong frustrated parricide ang mister ng biktima.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with